Mga Patakaran ukol sa Kabutihan at Kaligtasan ng Kapaligiran para sa Supplier na Nagtatrabaho sa Mga Site ng Ciena
Salamat sa pagbisita sa site ukol sa Kaligtasan ng Supplier ng Ciena.
Dapat basahin at ganap na maunawaan ng lahat ng empleyado ng supplier na inaasahang nasa site ng Ciena ang mga kinakailangang ito.
- Dapat mong tanggapin na nabasa at nauunawaan mo ang Mga Patakaran ukol sa Kaligtasan ng Supplier ng Ciena.
- Iniaatas ng Ciena na magtago ang bawat supplier ng kopya ng rekord na ito para sa bawat empleyado.
- Mag-email ng kopya ng rekord na ito sa iyong sarili o sa iyong employer bilang patunay ng pag-unawa sa mga patakaran sa kaligtasan ng Ciena.
- Tungkulin mo at ng iyong employer na magpanatili ng rekord na ito para sa pagsunod at maaaring mapailalim ka sa pag-audit ng Ciena
Para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng empleyado, bisita, at customer, umaasa kami sa iyo, bilang aming supplier, na tumulong na lumikha ng ligtas at propesyonal na kapaligiran sa pagtatrabaho. Dapat maunawaan at sumunod ang lahat ng supplier na nagsasagawa ng negosyo sa site ng Ciena sa mga sumusunod na Patakaran ukol sa Kabutihan at Kaligtasan ng Kapaligiran ng Ciena
Pagtatrabaho ng Supplier sa Mga Site ng Ciena - Mga Patakaran ukol sa Kabutihan at Kaligtasan ng Kapaligiran
Kaligtasan ng DriverHuwag lumampas sa mga limitasyon sa bilis o bumiyahe sa bilis na delikado para sa uri ng kalsada, sasakyan, o mga kondisyon at laging magsuot ng mga seat belt. Huwag kailanman gumamit ng hand-held na telepono habang nagmamaneho, at tumawag lamang sa pamamagitan ng pagtabi o gumamit ng mga hand-free device kapag ligtas na gawin ito. |
Mga pagkadulas, pagkatisod, pagkahulogIwasan ang mga pagkadulas, pagkatisod at pagkahulog sa pamamagitan ng pagpapanatiling walang kalat, mga gamit na nakakatisod at iba pang pisikal na nakakasagabal sa iyong lugar ng trabaho. Huwag harangan o i-lock ang mga pang-emergency na labasan o ruta. Panatilihing walang nakaharang sa mga hagdanan, pasilyo at daanan. |
Mga Tungkulin sa KapaligiranMag-reduce, mag-reuse at mag-recycle kung praktikal sa pamamagitan ng paggamit ng wastong sisidlan para itapon ang basura o i-recycle kung naaangkop. |
PaglikasUnawain at sundin ang mga protokol sa kaligtasan para sa iba't ibang uri ng alarma tulad ng sunog, buhawi, tsunami, lindol, atbp. Tandaan para sa mga sunog: LUMIKAS at huwag kailanman gumamit ng mga elevator, lumabas sa pinakamalapit na emergency exit, huwag bumalik hanggang sa ipahayag na maayos at ligtas na ang lahat.Unawain ang mga nakapaskil na ruta para sa paglikas at kung paano tumawag para sa tulong sa emergency. |
Ligtas na PagtatrabahoKailangang mayroon kang pagsasanay, maging bihasa at may naaangkop na mga lisensya kung iniaatas ng lokal o pambasang regulasyon para maisagawa ang trabaho. Dapat sumunod ang lahat ng supplier sa kinakailangang personal na pamprotektang kagamitan gayon rin sa anumang kinakailangan na proteksyon sa pagkahulog na iniaatas ng batas. |
Mga Panganib na MateryalesTungkulin mo ang ligtas na paggamit sa lahat ng kemikal na ginagamit mo, at pag-unawa sa wastong paggamit, pag-iingat, at tamang pagtatapon sa mga ito. |
Aksidente / Pag-uulat ng InsidenteKung may mangyaring aksidente, may mapansin kang hindi ligtas na mga kondisyon, o natukoy na may mga natapon/pag-singaw sa gusali o kapaligiran, kaagad na abisuhan ang iyong supervisor at makipag-ugnayan sa iyong kinatawan sa Ciena para sa higit pang hakbang. |